Halina’t bisitahin ang Spectrum Exhibit na makikita sa QC Hall Inner Lobby mula Lunes (April 15) hanggang Biyernes (April 19), 8 AM to 4 PM!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang ribbon cutting ceremony kasama sina Person with Disability Affairs Office head Ms. Deborah Dacanay at City Librarian Ms. Mariza Chico.
Ibinida sa exhibit at gallery ang mga likha ng persons with Autism Spectrum Disorder (ASD). Mabibili rin sa exhibit ang iba pang produkto at aklat ukol sa ASD.
Ang aktibidad ay bahagi ng paggunita ng ika-17 World Autism Spectrum Awareness Day.
Kaisa sa exhibit ang Boundless Possibilities, Autism Society of the Philippines, Kahel Press, at iBby Philippines.