Nasa 359 kabataang QCitizen ang nakatanggap ng P3,000 educational assistance mula sa Quezon City Government ngayong hapon.
Layon ng tulong-pinansyal na masuportahan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, lalo na ang mga pinaka nangangailangang kabataan.
Ang mga benepisyaryo ay mga children and youth in need of special protection, kabilang ang mga mula sa indigent families, children in conflict with the law, at mga nasa alternative learning system.
Noong nakaraang taon, umabot sa 1,109 mag-aaral ang napabilang sa programa. Para sa mga nais maging bahagi nito, maaaring makipag-ugnayan sa Social Services Development Department.