Good news, QCitizens!

Pwede nang mag-book ng appointment para maging benepisyaryo ng mga serbisyong hatid ng Social Services Development Department (SSDD) sa ating QC E-Services Website (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/)

Maaari nang mag-submit ng application online at mag-schedule ng interview ang mga QCitizen na nais maging bahagi o mag-avail ng mga sumusunod na programa:
– Small Income Generating Assistance (for small business owners)
– Educational Assistance for children with disabilities
– Educational Assistance for children of Solo Parents
– Pre-marriage Orientation and Counseling

Ang mga gustong maging benepisyaryo ay kinakailangang may approved QCitizen ID para makapag-upload ng mga required documents online. Kapag approved na, maaari na silang mag-schedule ng appointment sa SSDD main office para sa verification at face-to-face interview and assessment.

Basahin ang mga sumusunod para sa mga qualifications at requirements na kailangan nilang ipasa online at dalhin sa itinakda nilang schedule ng appointment: