Ni-rescue ng lokal na pamahalaan sa pagsasanib pwersa ng Social Services Development Department (SSDD)- Community Outreach Division, Task Force Disiplina, at Task Force Sampaguita ang aabot sa 85 indibidwal, kabilang ang mga bata, na nakitang pakalat-kalat sa Clover Leaf sa Barangay Unang Sigaw.
Base sa natanggap na ulat ng Office of the City Mayor kahapon, nakitang pagala-gala at namamalimos ang mga Sama-Bajau na mula pa sa Pampanga. Agad naman silang tinulungan ng Task Force Disiplina at SSDD upang mailayo sa kapahamakan at makabalik sa kanilang bayan.
Ngayong gabi, nai-turnover na ng SSDD, Department of Public Order and Safety (DPOS), Transport and Traffic Management Department (TTMD), at General Services Department (GSD), ang mga Sama-Bajau sa lokal na pamahalaan ng Malabanias, Angeles City, Pampanga. Nakatanggap na rin sila ng food packs mula sa lungsod.
Patuloy ang pag-antabay ng Task Force Sampaguita at pakikipag-ugnayan sa mga barangay at komunidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na ng mga bata.