LIBRE ANG SERBISYONG MEDIKAL SA QC! ⚕️

De-kalidad at libreng serbisyong medikal ang handog ng Quezon City Government at St. Luke’s Medical Center para sa 20 QCitizens.

Bahagi ng annual surgical mission na ito ang medical consultations, diagnostic tests, distribusyon ng mga gamot, minor surgery, at dental procedures.

Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang St. Luke’s sa patuloy na pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mabigyan ng serbisyong medikal ang QCitizens.

Namahagi rin ang Social Services Development Department (SSDD) ng gift packs para sa mga pasyente.

Kasama ng Alkalde sa programa sina St. Luke’s President and CEO Dr. Dennis Serrano, Asst Chief Medical Officer Deborah Ona, Out Patient Services QC Chairman Flor M. Maramag, SVP & Human Resource head Atty. Simeon C. Obtinalla Jr., Institute of Surgery head John Nunez, SVP & Chief Nursing Officer Maria Dimalibot at Associate Directors na sina Jeffrey Jeronimo P. Domino, Lorna Lourdes L. Simangan, Khim Urmatam, at SSDD OIC Carol Patalinghog.

#TayoAngQC

#QC85th

+13