PINAGPALANG ARAW, QC! ✨🙌

Napuno ng pagpapala ang araw ng Sabado ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang pagdalo sa fiesta mass para sa kapistahan ng luklukan ni Apostol San Pedro na idinaos sa St. Peter Parish: Shrine of Leaders.

Kasama ng mga debotong QCitizens, nanalangin ang alkalde na magpatuloy ang kaunlarang tinatamasa ng Lungsod Quezon.

Pinasalamatan at hinirang ng simbahan si Mayor Joy bilang Hermana Mayor ngayong taon dahil sa kanyang buong pusong suporta sa St. Peter Parish.

+18