Kasama ang lahat ng sektor sa pag-unlad 🫶

Ginanap ngayong araw ang “Stakeholders Consultation & Planning Workshop: Community Based Inclusive Development” na pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Ang naging benepisyaryo ng training at workshop ay ang mga lingkod-bayan mula sa Brgy. Holy Spirit upang makatulong sa pagseserbisyo sa mga QCitizen na mayroong kapansanan.

Pumirma rin ng Pledge of Commitment si Mayor Joy Belmonte upang masiguro na ang lokal na pamahalaan ay magbibigay ng pantay na pagkakataon at oportunidad para sa mga taong may kapansanan sa lungsod.

+14