Nagsagawa ng Stakeholders’ Meeting sa QCX Museum, Quezon Memorial Circle na dinaluhan ng 100 business owners para sa ordinansang isinulong ni Coun. Irene Belmonte na gawing car-free o carless ang Tomas Morato Avenue tuwing araw ng Linggo.
Kabilang din sa mga dumalo sa pulong sina City Administrator Michael Alimurung, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Ms. Margie Mejia, Traffic and Transport Management Department (TTMD) Head Mr. Dexter Cardenas, Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) Head Mr. Richard Santuile, Gender and Development (GAD) Council TWG Head Janete Oviedo, at Brgy. Sacred Heart Chairwoman Ma. Francesca Camille David.
Inilatag sa pulong ang Implementing Rules and Regulations (IRR), habang iprinesenta naman ng TTMD ang Traffic Plan para masigurong hindi makakaapekto sa daloy ng trapiko at mga motorista ang pagsasara ng naturang kalsada.
Layon ng ordinansa na isulong ang active mobility, maglaan ng mas ligtas na lugar para sa lahat, at makatulong sa paglago ng kabuhayan ng bawat QCitizen tungo sa pag-unlad ng Lungsod Quezon.