Binisita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at mga delegado ng Quezon City ang Rishon Start Up complex bilang bahagi ng pag-aaral sa best practices ng Rishon LeZion, Israel.
Eksklusibong itinayo ang startup complex para sa mga technological entrepreneurs sa kanilang lungsod.
Ang mga entrepreneurs na pumasa sa screening committee ay libreng nakakapagtrabaho at nagagamit ang complex sa pagbuo ng kanilang proyekto.
Tulad ng Rishon StartUp, nagsimula na rin ang Quezon City sa paghahanap ng mga kwalipikadong QCitizen techpreneurs sa pamamagitan ng programang StartUp QC.