Anim na start up companies ang nabigyan ng tig-isang milyong pisong equity-free grant mula sa Quezon City Government, sa ilalim ng StartUP QC program ng Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO).
Kabilang sa nabigyan ng grant ang Callback Inc., Kwentoon, Lithos Manufacturing, NYHA Robotics, Pasajob Inc., at RevUp Finance.
Pinangunahan nina District 3 Coun. Wency Lagumbay, City Administrator Mike Alimurung, LEIPO Head Jay Gatmaitan at LEIPO Investment and Promotions Division Chief Jong Sumpaico ang pagbibigay ng 1 million peso-cheque sa mga nanalo.
Bago ang Demo day, sumailalim sa mentoring sessions mula sa mga partner organizations ang mga kompanya.