Nakatanggap na ng tig-P1 milyon na financial grant ang limang finalists ng StartUp QC program mula sa Quezon City Government!

Sa isinagawang Demo Day sa Luxent Hotel, personal na ibinigay ni Mayor Joy Belmonte ang tseke sa StartUp QC Cohort 1 companies na Bamboo Impact Lab, Eduksine, Indigo Research, ITOOH Homestyle, at Wika.

Ayon kay Mayor Joy, malaki ang gagampanang papel ng mga napiling entrepreneurs at kanilang programa sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat QCitizen at Pilipino.

Bago ang demo day, sumailalim ang finalists sa iba-ibang pagsasanay at mentoring sessions.

Dumalo rin sa Demo Day sina QC Council Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Candy Medina, Coun. Irene Belmonte, Coun. Joseph Juico, Coun. Wency Lagumbay, mga department head, at investors.

Naitatag noong 2022, #StartUpQC ay naglalayong palakasin at paunlarin ang StartUp business ecosystem sa lungsod.

May be an image of 8 people, lighting, dais and text
May be an image of 1 person, table, lighting, crowd and text
May be an image of 12 people, speaker, lighting, dais and text
May be an image of 15 people and text