Congratulations, young innovators!
Aabot sa 39 teams ang napiling finalists sa “StartUp QC Student Competition” na pinangunahan ng Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO).
Ito ay programa para sa mga estudyante na mayroong innovative at sustainable na inisyatibo.
Ang 39 teams ay sasabak sa training, coaching, at mentoring sa loob ng isang buwan. Sila ay maaaring makatanggap ng P100,000 grant para maisagawa ang kanilang mga ideya.
Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga kabataan na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan kung may mga inisyatibo na maaaring makatulong sa bayan.