CONGRATS, YOUNG INNOVATORS!
Ipinakilala na ang 37 student groups na mga finalist sa ikalawang StartUp QC Student Competition na programa ng QC Local Economic Development and Investment Promotions (LEDIPO).
Bilang flagship program ng QC Government, layon nitong tulungan ang mga estudyante na ma-develop ang kanilang mga ideya na tutugon sa pangangailan ng mga komunidad at magdulot ng positibong pagbabago.
Tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si LEDIPO head Jay Gatmaitan kasama sina Education Affairs Unit head Maricris Veloso, StartUp QC Program Lead Jong Sumpaico, Pasajob Founder Kristen Mariano, Launch Garage Co-founder Jay Fajardo, at mga kinatawan ng mga departamento ng lokal na pamahalaan.




