YOUNG INNOVATORS, ASSEMBLE! ![]()
Ipinakita ng mga kabataan ang kanilang husay sa pagbuo ng mga startup companies at iba-ibang smart applications sa ginanap na StartUp QC Student Competition Squad 3 ngayong Huwebes.
Mula sa 150 entries sa buong bansa, tanging 91 teams ng mga kabataang estudyante mula sa iba-ibang unibersidad ang umabante bilang finalists sa kompetisyon.
Kasama sa mga business ideas ng mga grupo ay sumasaklaw sa sektor ng agrikultura, arts and culture, education, finance, at iba pa.
Bilang mga finalist, magiging kasama ang mga grupo sa mabibigyan ng ng cadetship para matuto sila sa mentorship, networking opportunities, hanggang sa pitching day.
Nakiisa sa programa sina City Administrator Mike Alimurung, SBCDPO head Mona Yap, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, Kazam Founder Cristina Azaña, StartUp QC Program lead Jong Sumpaico, Monica Labares at Sweetzelle Fabula ng Local Economic Development and Investment Promotions Office.










