Kasunod ng pagpapakilala sa top 5 finalists ng StartUp QC program, sumailalim sila sa kauna-unahang LEAD Session na tumalakay sa Intellectual Property at mga aplikasyon nito.
Bahagi ng Business Development Phase ang LEAD o Learning, Engagement, and Development Session. Layon nitong gabayan ang mga startup sa pagsisimula ng kanilang kumpanya.
Tumayong mga mentor sina Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) – IP Academy OIC and Asst. Dir. Bureau of Copyrights and Related Rights Dr. Frederick Romero, IP Academy Senior Consultants na sina Dr. Kenny Bayudan at Engr. Kevin Facun, IPOPHL Bureau of Legal Affairs Attorney III Atty. Mars Superticioso, at IP Enforcement Office and Office of the Director General IP Technical Consultant Atty. Rolando Somontina Jr.
Ang StartUp QC program ay magbibigay ng financial grant na aabot sa P1,000,000 para sa mga mapipiling innovative business model na makakatulong sa lipunan.
Dumalo sa event sina City Administrator Michael Alimurung, Assistant City Administrator (ACA) for Fiscal Affairs Don Javillonar, ACA for General Affairs Atty. Rene Grapilon, Local Economic And Investment Promotions Office Head Juan Manuel Gatmaitan, at Persons with Disability Affairs Office OIC Deborah C. Dacanay. Kasama rin sa learning session ang ilang empleyado ng lokal na pamahalaan.