Iniulat ni District 1 Rep. Arjo Atayde ang mga naisabatas na polisiya at programang napagtagumpayan sa kanyang State of the District Address.
Kasama sa mga batas na ipinasa ni Rep. Atayde ay ang Eddie Garcia Act, mga programang pangkalusugan, edukasyon, pangkabuhayan, at imprastruktura.
Buo ang suporta nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Councilors Doray Delarmente, Bernard Herrera, TJ Calalay, Joseph Juico, Charm Ferrer, Mr. Gab Atayde, at Action Officer Ollie Belmonte sa liderato at mahusay na pamamahala ni Rep. Atayde sa unang distrito.
Dumalo rin si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa okasyon upang magbigay suporta sa kanyang kapwa mambabatas.
Nakiisa naman sa programa ang mga barangay officials ng District 1 at kinatawan ng iba-ibang sektor sa lungsod.




