Ibinahagi ni District 2 Rep. Ralph Tulfo ang mga serbisyo at programang inilaan niya sa mga QCitizen sa District 2, sa kanyang ikalawang State of the District Address ngayong gabi.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang kasipagan at dedikasyon ni Rep. Tulfo sa pagsisilbi at pagseserbisyo bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente.
Sa loob lang ng dalawang taon, nasa 283 panukalang batas na ang inakda at sinuportahan ni Rep. Tulfo. Kabilang dito ang mga naisabatas nang SIM Card Registration Act, Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act, at ang No permit, No exam Prohibition Act.
Isinusulong din ni Rep. Tulfo ang panukalang batas na magtatatag ng School of Medicine Program sa Polytechnic University of the Philippines – Quezon City (PUP-QC).
Aabot na rin sa 1,700 pamilya sa District 2 ang naayos ang titulo ng kanilang lupa. Mahigit 70,000 mamamayan din ang nabigyan ng financial aid, at suporta para sa kanilang kabuhayan.




