Ibinahagi ni District 2 Rep. Ralph Tulfo ang mga napagtagumpayan at nagawa ng kanyang opisina sa kanyang ikatlong State of the District Address ngayong Sabado.
Kasama sa mga ipinagmalaki ni Congressman Tulfo ang libu-libong benepisyaryo ng mga programang pang medikal, pangkabuhayan, pabahay, scholarship, at educational assistance.
Binanggit din ni Rep. Tulfo ang mga bagong imprastraktura sa distrito tulad ng Dialysis Center sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, ang 3 fully air-conditioned gymnasiums, ang mga kinukumpuning school buildings, at patuloy na pagsasaayos ng mga daan.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte kasama sina Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, Councilor Bong Liban, Councilor Dave Valmocina, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at mga barangay councils ng limang barangay sa Distrito 2.




