Inihayag ni District 4 Representative Marvin Rillo ang mga programa, proyekto, at mga nakamit ng kanyang opisina sa ikalawang State of the District Address nito sa Amoranto Sports Complex.

Sa kanyang SODA, ibinida ni Rep. Rillo ang walang humpay na pamamahagi ng maintenance medicine, ang mga bagong dialysis at medical centers, maging ang scholarship grants at cash assistance para sa mga estudyante.

Kasama rin sa mga accomplishment ni Rep. Rillo ang implementasyon ng AICS at TUPAD program, ang Kapwa ko, Mahal ko program, ang burial assistance, at emergency response.

Ipinagmalaki niya ang mga bagong school building, gymnasium, at multi-purpose basketball court na napapakinabangan na sa Distrito 4.

Dumalo sa programa sina Mayor Joy Belmonte kasama sina Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, District 4 Councilors Imee Rillo, Raquel Malañgen, Nanette Daza, Egay Yap, F/Councilors Vincent Belmonte, Ivy Lagman, ASC Action Officer Martin Manese, at D4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.

#TayoAngQC

+22