Inilahad ni District 5 Rep. PM Vargas ang mga polisiya at programang napagtagumpayan ng ikalimang distrito sa kanyang State of the District Address (SODA).
Kabilang sa mga ibinidang batas na ipinasa sa kongreso kasama si Rep. Vargas ay ang New Philippine Passport Act, Kabalikat sa Pagtuturo Act, Expanded Centenarian Law, at Safe Internet Transactions Act.
Dumalo sa SODA sina Mayor Joy Belmonte, Coun. Alfred Vargas, Coun. Joseph Visaya, Coun. Shay Liban, Coun. Ram Medalla, at Action Officer William Bawag.
Nag-abot ng pasasalamat si Mayor Joy sa walang-humpay na suporta ni Rep. Vargas sa mga priority projects ng QC tulad ng flood control program, mga proyekto sa edukasyon, pangkabuhayan, at pang-imprastruktura.
Nakiisa sa okasyon ang mga barangay officials ng District 5, civil society organizations, at iba-ibang sektor at mamamayan ng distrito.