Tumitindi na ang epekto ng climate change, at madalas tayo rin ang napeperwisyo sa matinding init at madalas na pagbaha.
Determinado ang Quezon City Government na tugunan ang mga banta ng nagbabagong klima.
At ngayong Earth Day (April 22), inilahad ni Mayor Joy Belmonte ang mga hakbang na ginawa, at gagawin pa ng lokal na pamahalaan sa tulong ng iba-ibang partners at QCitizens para maibsan ang epekto nito.
Panoorin ang State of the Environment Address ni Mayor Belmonte.