Nakahanda na ang iba-ibang ahensya ng pamahalaan para sa 5th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Nakastandby na ang mga tauhan ng Philippine National Police at QC Department of Public Order and Safety para sa kaligtasan ng mga dadalo.
Nakaantabay na rin ang mga traffic enforcer mula sa Traffic and Transport Management Department at Metropolitan Manila Development Authority upang gumabay sa mga motorista.
Nakadeploy naman ang health and emergency response teams ng QC Disaster Risk Reduction and Management Department at City Health Department para sumaklolo sa anumang sakuna.
Samantala, inanunsyo na rin ng QC Government ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa lungsod sa araw ng SONA.
Magpapatupad din ng liquor ban sa buong lungsod simula 12:01 AM hanggang 6:00 PM ng Hulyo 27, 2026 upang mapanatili ang kaayusan.










