Bilang paghahanda, nagtayo ang Quezon City Government ng Incident Command Post para sa mga ahensyang nakatalaga sa SONA 2026, upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa anumang insidente.
Nakaantabay sa staging area ang mga medical team mula sa QC Disaster Risk Reduction and Management Department, City Health Department, Philippine Red Cross – Quezon City Chapter, at mga Barangay Emergency Response Teams, kasama ang iba pang emergency responders na handang rumesponde kung kinakailangan.
Naka-deploy din ang City Citizen Services Department, Quezon City Police District, at iba pang katuwang na tanggapan upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng koordinasyon.
Sa oras ng emergency, maaaring tumawag sa Helpline 122. Para sa mga update at anunsyo, manatiling nakatutok sa mga opisyal na social media pages ng Quezon City Government.










