Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) ng Operational Period Briefing bilang paghahanda sa SONA 2026 upang matiyak ang maayos na koordinasyon ng lahat ng personnel na nakatalaga sa operasyon.
Tinalakay ang operational plan, mga tungkulin ng bawat responder, at mga protocol na ipatutupad ng Incident Management Team at iba pang katuwang na ahensya.
Layon nitong matiyak na ligtas, organisado, at agarang makatutugon ang mga emergency personnal sa anumang sitwasyon.










