Bata pa ang mga anak ni Bing nang iwan siya ng kanyang kinakasama. Pero imbis na malugmok, dumiskarte siya ng iba-ibang pagkakakitaan para taas-noong maitaguyod ang tatlong anak kahit siya lang mag-isa.
Siya na ngayon ang presidente ng Solo Parents Association ng Bgy. Sta. Lucia na tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kapwa niya magulang na mag-isang nagtataguyod ng kanilang pamilya.
Dahil sa QC, kasama ang babae, tuloy ang pag-unlad.