Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nakiisa ngayong Love Laban 2 Everyone Pride Festival.

Maraming salamat din sa pagiging disiplinado kaya naging maayos at ligtas ang ating programa simula kaninang umaga.

We are proud of our community along with the many allies that have joined us dahil ipinakita natin ang ating good behaviour and also our resolve. We will need more of this show of force and love letter to national leaders in the crucial 6 months na kakailanganin natin ang lakas at suporta ng isa’t isa para sa SOGIE Equality Bill at para makamit ang pangarap nating lipunang may pag-ibig at pagkakapantay-pantay.

Nais naming ipagbigay alam na nakompromiso ang electrical at sound system sa stage nang dahil sa malakas na ulan at posibleng makapinsala sa mga crew at mahal nating performers.

Dahil dito napagdesisyunan ng mga organizer na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng lahat at tapusin nang maaga ang programa ngayong gabi.

Ang magandang balita: lumagpas pa sa ating target na 200,000 ang nakiisa sa ating Pride Festival.

Hindi po ito ang pagtatapos ng ating laban. Ang Pride ay pang-araw-araw, at marami pang pagkakataon na tayo ay muling magsasama-sama.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
Muli, Happy Pride! Magandang gabi po.