3,415 mag-aaral mula sa 17 pampublikong paaralan sa Quezon City ang nakiisa sa Stay Bright Campaign ng Automobile Association Philippines (AAP), katuwang ang Quezon City Government at Schools Division Office. Nakibahagi rin ang mga Sangguniang Kabataan bilang kaagapay sa adbokasiya.
Layunin ng kampanya na turuan ang mga bata kung paano maging visible, alert, at responsable sa kalsada—para mas maging ligtas sila tuwing papasok at umuuwi ng paaralan.
Tuloy-tuloy ang kampanya sa iba pang paaralan sa lungsod—dahil mahalaga ang kaligtasan ng bawat bata.




