Masayang sinalubong ng Quezon City ang ika-50 anibersaryo ng Sto. Domingo Parish bilang isang parokya at kapistahan ni St. Dominic De Guzman.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Misa ng Bayan na pinangunahan ni Bishop Honesto Ongtioco D.D. ng Diocese of Cubao.
Bilang pasasalamat sa pagpapaunlak at pagdalo sa pagdiriwang, nakatanggap sina Mayor Joy, Konseho ng Barangay Sto. Domingo at Tatalon ng imahen ng St. Dominic mula sa Sto. Domingo Parish.