Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa Lungsod Quezon ang delegasyon ng Bayan ng Sto. Domingo, Ilocos Sur, sa pangunguna ni Municipal Mayor Annea Cassandra De Leon, para sa isang benchmarking activity tungkol sa sa disaster risk reduction and management ng lungsod.
Ibinahagi ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanilang mga programa, inisyatiba, at best practices sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.
Naging makabuluhang pagkakataon ito para sa palitan ng kaalaman at pagpapalakas ng kahandaan sa pamamahala ng sakuna.










