Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ng Lungsod Quezon ang delegasyon mula sa Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas para sa isang benchmarking activity.
Nakatuon ang isinagawang benchmarking sa tricycle regulation, terminal management, TODA operations and discipline, regulatory mechanisms, tricycle management planning, at effective coordination with stakeholders.
Kasama sina Kon. Raquel S. Malañgen, Chairperson ng Committee on Transportation, at Traffic and Transport Management Department (TTMD) Head Dexter C. Cardenas sa pagtanggap sa delegasyon na pinangunahan ni Sto. Tomas Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at iba pang opisyal ng kanilang lokal na pamahalaan.










