Nagpulong ang mga Election Officer ng COMELEC QC at mga departamento ng Pamahalaang Lungsod Quezon bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections na gaganapin sa Lunes, May 12, 2025.
Bahagi ng final coordination meeting ang mga hakbang at tugon ng lokal na pamahalaan katuwang ang COMELEC upang masigurong magiging matagumpay at ligtas ang gaganaping halalan para sa anim na distrito ng lungsod.
Dumalo sa pulong bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si City Administrator Mike Alimurung, kasama sina Vice Mayor Gian Sotto, Chief of Staff Rowena Macatao, City Treasurer Edgar T. Villanueva, mga COMELEC-QC Election Officers, at QC department heads.




