Ni-rescue ng Quezon City government ang mga street dwellers sa kahabaan ng EDSA matapos makatanggap ng impormasyon ang Department of Public Order and Safety mula sa concerned citizen na may naninirahan sa nasabing lugar.
Agad namang dinala sa reception centers ng Social Services Development Department ang mga nailigtas na street dwellers upang mabigyan ng karampatang intervention at tulong.