Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang Quezon City Government sa paglalagay ng mga bagong streetlights at sa pag-energize ng mga dating streetlights sa iba-ibang kalsada sa Barangay Krus na Ligas.
Sa kabuuan, halos 16 bagong streetlights ang na-install at mahigit 15 existing streetlights ang naisaayos upang muling magamit. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng mas maliwanag at mas ligtas na mga lansangan para sa kapakanan ng mga pedestrian at motorista.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Quezon City Government upang mapanatiling maliwanag, maayos, at ligtas ang mga komunidad para sa lahat ng QCitizens.










