Sa ilalim ng REACT Project, idinaos ang Strengthening Child Protection: Year-End Updates katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at Barangay and Community Relations Department (BCRD). Pinangunahan nina Ms. Tina Jurado ng PCMN at Mr. Ginno Corral ng ECPAT Philippines ang oryentasyon.
Nagbigay naman ng mensahe si PESO Head Rogelio L. Reyes upang pasalamatan at himukin ang mga NGOs at CSOs na patuloy na makipagtulungan sa lungsod kontra Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Tinalakay ni Ms. Mary Anne Grace Rivera ng BCRD ang CSO/NGOs Accreditation Process at ang mahalagang papel ng mga QCitizens at CSOs sa good governance. Binigyang-diin naman ang pagpapatibay ng proteksyon ng mga bata laban sa OSAEC at CSAEM, kasama ang pagpapalakas ng community reporting.
Kabilang din sa mga pinag-usapan ang revised Children’s Code ng lungsod at ang patuloy na pagtutulungan ng mga NGOs at kinatawan ng komunidad upang isulong ang kapakanan at karapatan ng mga bata.