Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng stress debriefing session ang mga social worker ng Quezon City Social Services Development Department (SSDD) para sa mga kabataan ng Barangay Bagong Silangan na kabilang sa aksidente sa Infanta, Quezon.
Tinutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga biktima para maibsan ang mga stress at trauma na dulot ng nangyaring trahedya.
Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang pamahalaang lungsod sa pamilya ng mga biktima para masigurong maibigay ang mga kailangan at nararapat na tulong at suporta sa kanila.










