Base sa datos ng Quezon City Engineering Department (QCDE) sa isinagawang Rapid Visual Screening (RVS), 796 city-owned buildings na ang na-inspeksyon sa kabuuang bilang na 6,501. Mula sa 796, 145 gusali ang natukoy na nangangailangan ng mas masusing pagsusuri dahil sa ilang observations na nakita.
Sa kabuuang bilang naman na 1,435 school buildings ng 158 paaralan, 496 na gusali na ang na-inspeksyon galing sa 66 na paaralan sa lungsod. 72 gusali mula sa 496 ang natukoy na nangangailangan ng mas masusing pagsusuri dahil sa ilang observations na nakita.
1,642 city-owned buildings at 939 school buildings pa ang pinaprayoridad na ma-inspeksyon, na natukoy ayon sa lokasyon at katagalan ng gusali at kung ito ay mahalagang pasilidad.
Patuloy na isinasagawa ng Quezon City Government, katuwang ang Philippine Institute of Civil Engineers – Quezon City Chapter (PICE-QC), ang Rapid Visual Screening (RVS). Tinitiyak ng lokal na pamahalaan na ito ay bahagi ng maagap at epektibong paghahanda ng lungsod para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at bawat QCitizen sa anumang sakuna.




