Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga journalism student ng University of the Philippines – Diliman.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung gaano kahalaga ang media sa pamahalaan, at kung paano nito natutulungan ang gobyerno sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko.
Naniniwala ang alkalde na tungkulin ng Quezon City Government na panatiliing well-informed ang mga QCitizen sa lahat ng programa ng lungsod, at maipaliwanag sa kanila ang naging proseso kung paano nagkaroon ng isang polisiya o desisyon.
Ikinuwento niya rin sa mga estudyante ang nagtulak sa kaniya para maging isang public official, mula sa pagiging archeologist.
Kasama rin ni Mayor Joy sa isinagawang panayam si Public Affairs and Information Services Department (PAISD) Head Bert Apostol.