Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga graduate students ng Master in Business Administration (MBA) mula sa Stanford University para sa kanilang study visit sa Quezon City.

Tinalakay naman ng iba-ibang departamento sa lokal na pamahalaan ang mga programa sa climate change adaptation at sustainable practices. Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagsulong ng environmental justice.

Kasama ng 30 visiting MBA students sina Doerr School of Sustainability Associate Dean Prof. Rodolfo Dirzo at Prof. William Barnett.

Nakiisa rin sa study visit sina Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Michael Alimurung, Asst. City Administrator Atty. Rene Grapilon, at mga department heads sa QC.

+27