Upang mabigyan ng pagkakataong ilahad ang kanilang mga mungkahi para sa mga subdivision homeowners, nakiisa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte kasama ang ilang department heads sa isang Subdivision Forum kasama ang mga HOA ng District 3 at 4.
Kabilang sa mga tagapagsalita sina Asst. City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro at District 4 Action Officer Engr. Alberto Flores kasama sina City Planning and Development Department head Arch. Sonny Rodriguez, Parks Development and Administrator Department (PDAD) head Arch. Nancy Esguerra, Arch. Red Avelino, at Dr. Rey del Napoles, DVM ng City Veterinary Department, upang ilahad ang iba-ibang programa ng Pamahalaang Lungsod Quezon.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga HOA representatives na idulog ang kanilang mga suhestiyon para sa ikabubuti ng kanilang komunidad.











