Alaga ang mga residente sa Quezon City! 🤝

Pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan ang “Subdivision Homeowners’ Forum” para sa Homeowners’ Associations (HOAs) mula District 1-6 na ginanap sa Amoranto Sports Complex ngayong araw.

Layon ng forum na mas mapalapit ang mga residente ng lungsod sa QC Government at sa mga proyekto nito.

Binahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga maaaring maging inisyatibo ng mga HOA, katulad ng urban farming para sa mga vacant o idle land.

Tinalakay din ng iba-ibang departamento ang mga programa at polisiya ng lungsod para sa QCitizens.

+19