Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kasama sina City Administrator Michael Alimurung, City Planning and Development Department head Arch. Pedro Rodriguez at ilang mga opisyal ng pamahalaang Lungsod Quezon sa mga kinatawan ng homeowners association sa District 3 at 4 sa isang Subdivision Homeowners Forum.
Layon ng forum na talakayin ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaang lungsod pagdating sa COVID-19 response at vaccination, pag-unlad ng QC E-Services kung saan naging digital at mas mabilis ang pagproseso ng ilang permit sa lungsod, kaligtasan at kaayusan ng QCitizens, at ilan pang mga programa.
Bukod dito, binigyan din sila ng pagkakataong ilahad ang kanilang mga iminumungkahing proyekto para sa mga HOA.
Dumalo rin sa okasyon si Vice Mayor Gian Sotto, at ang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 3.