Patuloy na tinututukan ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.
Sa maraming bahagi ng lungsod, tuluyan nang bumaba ang tubig, bagama’t nag-iwan ito ng mga basura sa lansangan.
Sa kasalukuyan, humupa na ang baha sa mga sumusunod na lugar:
• Maginhawa St., Brgy. Teacher’s Village East
• G. Araneta cor E. Rodriguez, Brgy. Doña Imelda
• 20th Ave cor Don Jose St., Brgy. San Roque
• Banlat Rd. cor Villa Rebecca Subd., Brgy. Tandang Sora
• Bitoon, Brgy. Commonwealth
• D Muñoz St., Brgy. Tandang Sora
• Doña Carmen, Brgy. Commonwealth
• G. Araneta cor Baloy, Brgy. Santol
• Main Ave cor EDSA, Brgy. Socorro
• Metrobank, Brgy. Tandang Sora
• P. Tuazon cor 15th Ave. and 18th Ave., Brgy. San Roque
• P. Tuazon cor Kalantiaw, Brgy. Tagumpay
• Quezon Ave. cor D. Tuazon, Brgy. Doña Josefa
• V. Luna cor Anonas Ext., Brgy. Sikatuna Village
• V. Luna cor Matimpiin St., Brgy. Pinyahan
Kasabay ng patuloy na pagtugon sa mga epekto ng pagbaha, isinasagawa ang clearing operations sa mga apektadong kalsada upang agad na maalis ang mga naiwang basura.
Patuloy rin ang declogging operations sa mga lugar na may naiiwang tubig upang makatulong sa tuluyang pagbaba ng water level at mapanatiling ligtas at maayos ang daloy ng mga motorista at pedestrian.










