Star-studded ang parada ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Lungsod Quezon!
Hindi rin nagpahuli ang kanilang fans na excited na naghintay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Quezon Memorial Circle.
Kabilang dito ang walong floats ng MMFF entries ngayong taon.
Pinangunahan din ni Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes ang pagpapatunog ng ceremonial gong na hudyat ng pagsisimula ng parada.
Kasama nila ang mga director at artista na bumida sa walong entries.
Tampok sa Summer MMFF ang mga sumusunod na pelikula: Yung Libro Sa Napanood Ko, About Us But Not About Us, Here Comes The Groom, Love You Long Time, APAG, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, at ang Unravel: A Swiss Side Story.