Labing pitong mayors at municipal leaders mula sa iba-ibang panig ng mundo ang naimbitahang lumahok ngayon sa International Visitor Leadership Program (IVLP) initiative ng Bureau of Educational and Cultural Affairs ng U.S. Department of State katuwang ang US Agency for International Development (USAID).
Kabilang sa 17 kalahok si Mayor Joy Belmonte na natatanging alkalde na naimbitahan mula sa Pilipinas. Ang isinasagawang IVLP ay nakabatay sa December 2021 Summit for Democracy. Tatalakayin dito kung paano epektibong labanan ang katiwalian, authoritarianism at itaguyod ang paggalang sa karapatang pantao.
Mahalaga ito lalo’t kabilang sa 14 point agenda ni Mayor Joy ang maging modelo ng mabuting pamamahala ang Quezon City.
Ang International Visitor Leadership Program (IVLP) ay isang professional exchange program ng U.S. Department of State. Hindi kailangang mag-apply para mapabilang sa IVLP. Tanging U.S. Embassies sa buong mundo ang nagbibigay ng nominasyon kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat makasama sa programa. At mula sa mga nominasyon na ito, pinipili ng U.S. Department of State ang pinal na kalahok sa IVLP.

SOURCE: International Visitor Leadership Program (IVLP)