Nakilahok ang QCitizens sa aktibidad na naihanda ng Quezon City Local Government para sa official launch ng Sunday Car-free, Carefree Tomas Morato.
Ang programa ay nagsisilbing opisyal na paglulunsad ng ordinansa na nagtatakda na maging car-free at bukas para sa mga aktibidad ng mga residente ang Tomas Morato Avenue tuwing unang Linggo ng buwan, mula 5 ng umaga hanggang 10 ng umaga.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang launching kasama sina City Council Committee on City Planning, Building and Zoning Chairperson Councilor Irene R. Belmonte, GALANG Philippines President Ms. Anne Lim, Business Permits and Licensing Deparment Head Ms. Ma. Margarita Mejia, at Ambassador of Switzerland to the Philippines Dr. iur. Nicholas Brühl.
Nakiisa rin sina Coun. Doc Ellie Juan, Liga ng mga Barangay President Coun. Mari Rodriguez, at Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas.
Binigyang-diin ni Mayor Joy na hindi pagmamay-ari ng mga sasakyan ang mga kalsada at panahon na upang maibalik ito sa mga pedestrian at siklista.




