Upang alamin ang best practices ng Rishon LeZion, Israel sa pagkakaroon ng maayos na drainage systems, binisita ni Mayor Joy Belmonte at ng delegasyon ng lungsod Quezon ang Superland Lake.
Ang Superland Lake ay isang man-made lake kung saan pumupunta ang run-off water ng Rishon LeZion. Sa pamamagitan ng lawa na ito, nakakapag-imbak ng tubig na siyang ginagamit na pandilig sa mga halaman at puno sa mga parke at para sa makabagong sistema ng irigasyon.
Nagsisilbi rin itong retarding pond upang mabawasan ang matinding epekto ng pagbaha na dulot ng climate change.
Bukod sa man-made lake, ibinahagi ni Rishon LeZion Deputy Municipal Engineer Evyatar Bitur Tzur na mayroong pipes na siyang dinadaluyan ng tubig ulan papunta sa water tables na hindi na kailangan dumaan sa drainage systems.
Isa sa mga prayoridad ng ating lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng maayos na drainage system para mapigilan na ang pagbaha sa ating lungsod lalo na sa panahon ng tag-ulan.