DEPED
QUEZON CITY
Pinagtibay ng Quezon City Government at Department of Education (DepEd) ang kanilang pagtutulungan upang maghatid ng maayos na pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, DepEd Assistant Secretary Aurelio Paulo Bartolome, at Undersecretary Peter Irving Corvera, kasama si QC Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, ang paglagda sa Supplemental Memorandum of Agreement para sa 2026 Basic Education Facilities Program.
Sa ilalim ng kasunduan, magiging katuwang ang QC sa pagpapatupad ng mga classroom at school-building projects upang mapabilis ang pagtayo ng dekalidad na pasilidad para sa mga mag-aaral.
Maraming salamat sa Department of Education, sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, at sa patuloy na tiwala at pakikipagtulungan para magbigay ng magandang kinabukasan sa bawat mag-aaral na QCitizen.








