Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kalikasan at paglaban sa epekto ng pabago-bagong klima sa ginanap na Sustainable Cities Dialogue with Metro Manila Mayors ng British Embassy Manila.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagpapa-unawa ng konsepto ng climate change sa mga mamamayan para matiyak ang kanilang pakikibahagi sa adbokasiya at programa ng lungsod.
Ang climate mitigation and adaptation ay bahagi rin ng 14-point agenda ng lokal na pamahalaan. Para mas maipatupad ang mga programang ito, nagdeklara na ang lungsod ng climate emergency noong 2019 at bumuo ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) na tumututok sa mga proyekto para sa kalikasan.
Nakiisa rin sa programa sina British Ambassador Laure Beaufils, Makati City Mayor Abby Binay, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, C40 Cities City Adviser for Quezon City Kessica Bersamin, at mga kinatawan ng iba pang lungsod sa Metro Manila.











