Congratulations, QC! ![]()
Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang iRISE UP (Intelligent, Resilient, and Integrated Systems for the Urban Population) program ng Quezon City Government bilang Sustainable Development Goal Achievement Champions and Exemplars (SDG ACEs) 2025 Awardee.
Iginawad ang pagkilalang ito dahil sa mahalagang ambag ng programa sa pagsusulong ng Sustainable Development Goal (SDG) 9, na nakatuon sa pagsisiguro ng resilient at sustainable na komunidad sa pamamagitan ng makabago at innovative na imprastraktura.
Sa tulong ng iRISE UP, pinalalakas ng Lungsod Quezon ang paggamit ng data-driven systems at makabagong teknolohiya upang mapahusay ang kahandaan sa sakuna, urban planning, at katatagan ng mga komunidad, lalo na sa pagtugon sa mga panganib na dulot ng pagbaha at matitinding kondisyon ng panahon.
Patuloy na magsisilbing huwaran ang Quezon City sa paglikha ng mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat QCitizen. ![]()






