Reduce plastic waste towards a greener metro!
Ginawaran bilang Sustainable Waste Solutions Winner ang programang ‘Trash to Cashback’ ng lokal na pamahalaan sa ginanap na 2025 Bloomberg Philanthropies Local Leaders Climate Awards sa Rio de Janeiro, Brazil.
Inilunsad ang nasabing programa noong pandemya upang bawasan ang problema ng lungsod sa basura, habang tinuturuan ang bawat QCitizen na gamitin ang mga nalikom plastik upang ipangbili ng pagkain, ipangbayad ng kuryente, at sa iba pang gastusin.
Binibigyang-pagkilala ng 2025 Bloomberg Philanthropies Local Leaders Climate Awards ang pinakamapangahas, maimpluwensya, at people-centered climate actions na pinangungunahan ng iba-ibang lungsod, estado, at rehiyon sa buong mundo.
Maaaring mabasa ang kabuuang detalye rito: https://www.bloomberg.org/2025-local-leaders-climate…/






